13. Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila;nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa.At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,
14. palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan,at akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.
15. Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagkakatipon sila at nagtatawanan.Nagsasama-sama ang mga sa akin ay kumakalaban;kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.
16. Kinukutya nila ako nang walang pakundangan,at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.
17. Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang?Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.
18. At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan.
19. Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaaway sa aking pagkatalo.Ang mga galit sa akin nang walang dahilan ay huwag nʼyong payagang kutyain ako.
20. Walang maganda sa sinasabi nila,sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik.
21. Sumisigaw sila sa akin na nagpaparatang,“Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”
22. Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito,kaya huwag kayong manahimik.Huwag kayong lumayo sa akin.
23. Sige na po, Panginoon kong Dios, ipagtanggol nʼyo na ako sa kanila.