1. Panginoon, kontrahin nʼyo poang mga kumukontra sa akin.Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.
2. Kunin nʼyo ang inyong kalasag,at akoʼy inyong tulungan.
3. Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat,para sa mga taong humahabol sa akin.Gusto kong marinig na sabihin nʼyo,“Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”
4. Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin.Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.
5. Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin,habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.
6. Maging madilim sana at madulas ang kanilang dinadaanan,habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.
7. Naghukay sila at naglagay ng bitag para sa akin,kahit wala akong ginawang masama sa kanila.