Salmo 34:13-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling.

14. Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti.Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan.

15. Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid,at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan.

16. Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama.Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo.

17. Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid,at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.

18. Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso,at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

19. Marami ang paghihirap ng mga matuwid,ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito.

20. Silaʼy iniingatan ng Panginoon,at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.

21. Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan.At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios.

22. Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod,at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.

Salmo 34