Salmo 34:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras.Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.

2. Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon;maririnig ito ng mga api at silaʼy magagalak.

3. Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon,at itaas natin ang kanyang pangalan.

4. Akoʼy nanalangin sa Panginoon at akoʼy kanyang sinagot.Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot.

5. Ang mga umaasa sa kanya ay nagniningning ang mata sa kaligayahan,at walang bahid ng hiya sa kanilang mukha.

6. Noong wala na akong pag-asa, tumawag ako sa Panginoon.Akoʼy kanyang pinakinggan at iniligtas sa lahat ng mga dinaranas kong kahirapan.

7. Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios,at ipinagtatanggol niya sila.

Salmo 34