Salmo 33:9-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo;siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.

10. Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya.Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.

11. Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman,at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

12. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon.At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya.

13. Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang lahat ng tao.

14. Mula sa kanyang luklukan,tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo.

15. Siya ang nagbigay ng puso sa mga tao,at nauunawaan niya ang lahat ng kanilang ginagawa.

Salmo 33