Salmo 33:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kayong mga matuwid,sumigaw kayo sa galak,dahil sa ginawa ng Panginoon!Kayong namumuhay ng tama,nararapat ninyo siyang purihin!

2. Pasalamatan ninyo ang Panginoonsa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kwerdas.

3. Awitan ninyo siya ng bagong awit.Tugtugan ninyo siya ng buong husay,at sumigaw kayo sa tuwa.

4. Ang salita ng Panginoon ay matuwid,at maaasahan ang kanyang mga gawa.

5. Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan.Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.

6. Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon,ang langit ay nalikha;sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.

7. Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan.

8. Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon,

9. dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo;siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.

10. Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya.Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.

11. Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman,at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

Salmo 33