5. Ipinauubaya ko sa inyo ang aking sarili.Iligtas nʼyo ako, Panginoon,dahil kayo ang Dios na maaasahan.
6. Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga dios-diosan na walang kabuluhan,dahil sa inyo ako nagtitiwala.
7. Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig,dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa,at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.
8. Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway,sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan.
9. Panginoon, kahabagan nʼyo po ako,dahil akoʼy labis nang nahihirapan.Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak,at nanghihina na ako.
10. Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian;umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan.Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan,at parang nadudurog na ang aking mga buto.
11. Kinukutya ako ng aking mga kaaway,at hinahamak ng aking mga kapitbahay.Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan;kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan.
12. Para akong patay na kanilang kinalimutan,at parang basag na sisidlan na wala nang halaga.
13. Marami akong naririnig na banta laban sa akin.Natatakot akong pumunta kahit saan,dahil plano nilang patayin ako.
14. Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.Sinasabi kong,“Kayo ang aking Dios!”
15. Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.
16. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.
17. Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,dahil sa inyo ako tumatawag.Ang masasama sana ang mapahiyaat manahimik doon sa libingan.
18. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,pati ang mga mayayabang at mapagmataasna binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.