15. Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.
16. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.
17. Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,dahil sa inyo ako tumatawag.Ang masasama sana ang mapahiyaat manahimik doon sa libingan.
18. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,pati ang mga mayayabang at mapagmataasna binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.
19. O kay dakila ng inyong kabutihan;sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan.Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan.
20. Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga.At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba.
21. Purihin ang Panginoon,dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akinnoong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan.
22. Doon akoʼy natakot at nasabi ko,“Binalewala na ako ng Panginoon.”Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan.