Salmo 30:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,kayong mga tapat sa kanya.Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.

5. Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.Maaaring sa gabi ay may pagluha,pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

6. Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko,“Wala akong pangangambahan.”

7. Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon.Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok.Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo.

Salmo 30