Salmo 29:4-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang.

5. Ang tinig ng Panginoon ay makakabaliat makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon.

6. Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanonat ang bundok ng Hermon, na parang bisirong baka na tumatalon-talon.

7. Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.

8. Ang tinig din ng Panginoon ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kadesh.

9. Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.At ang lahat ng nasa templo ay sumisigaw,“Ang Dios ay makapangyarihan!”

10. Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.Maghahari siya magpakailanman.

11. Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Salmo 29