Salmo 29:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios.Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.

2. Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

3. Ang tinig ng Panginoong Dios na makapangyarihan ay dumadagundongna parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.

4. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang.

5. Ang tinig ng Panginoon ay makakabaliat makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon.

Salmo 29