5. Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali,gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli.
6. Purihin kayo, Panginoon,dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo.
7. Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin.Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.Tinutulungan nʼyo ako,kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
8. Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan.Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang.
9. Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo.Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila,at kalungin magpakailanman.