3. dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal,at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan.
4. Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap.
5. Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao,at hindi ako nakikisama sa kanila.
6-7. Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan.Pagkatapos, pumupunta ako sa pinaghahandugan ng hayop at ibaʼt ibang ani upang sumamba sa inyo, O Panginoon,na umaawit ng papuriʼt pasasalamat.Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa.
8. Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan,na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.