Salmo 26:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Patunayan nʼyo, Panginoon, na akoʼy walang kasalanan,dahil akoʼy namumuhay nang matuwid,at nagtitiwala sa inyo ng walang pag-aalinlangan.

2. Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon.Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,

3. dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal,at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan.

4. Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap.

5. Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao,at hindi ako nakikisama sa kanila.

8. Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan,na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.

11. Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid,kaya iligtas nʼyo ako at inyong kahabagan.

Salmo 26