Salmo 25:5-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.Kayo ang lagi kong inaasahan.

6. Panginoon, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig,na inyong ipinakita mula pa noong una.

7. Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway komula pa noong aking pagkabata.

8. Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.

9. Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama.Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

10. Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan.

11. Panginoon, alang-alang sa inyong kabutihan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.

12. Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran.

Salmo 25