1-2. Panginoon kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala.Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya akoat pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo.
3. Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan,ngunit mapapahiya ang mga traydor.
4. Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
5. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.Kayo ang lagi kong inaasahan.
6. Panginoon, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig,na inyong ipinakita mula pa noong una.
7. Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway komula pa noong aking pagkabata.
8. Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.