5. Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas.
6. Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob.
7. Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng temploupang makapasok ang Haring makapangyarihan!
8. Sino ang Haring makapangyarihan?Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban.
9. Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng temploupang makapasok ang Haring makapangyarihan!
10. Sino ang Haring makapangyarihan?Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan.Tunay nga siyang Haring makapangyarihan!