5. Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.
6. Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.
7. Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar,at iiling-iling na nagsasabi,
8. “Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon,bakit hindi ka niya iniligtas?Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?”
9. Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina,at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako.
10. Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo,at mula noon, kayo lang ang aking Dios.
11. Kaya huwag nʼyo akong pababayaan,dahil malapit nang dumating ang kaguluhan,at wala na akong ibang maaasahan.
12. Napapaligiran ako ng maraming kaaway,na para bang mababangis na mga toro mula sa Bashan.
13. Para rin silang mga leong umaatungalat nakanganga na handa akong lapain.
14. Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos,at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat.At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.
15. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa,at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala.O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay.
16. Pinaligiran ako ng mga taong masama na parang mga aso.At binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa.