Salmo 22:24-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

24. Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.Hindi niya sila tinatalikuran,sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.

25. Panginoon , bigyan nʼyo ako ng kasiglahan na magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan.Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo,tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

26. Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog.Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo.Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

27. Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo,at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,

28. sapagkat kayo ang naghahari,at namumuno sa lahat ng bansa.

29. Kaya magdiriwang at sasamba sa inyo ang lahat ng mayayaman sa buong mundo.Luluhod sa inyo ang lahat ng mga mortal, ang mga babalik sa alikabok.

30. Ang susunod na salinlahi ay maglilingkod sa inyo.At tuturuan nila ang kanilang mga anak ng tungkol sa inyo, Panginoon.

31. Balang araw, silang hindi pa ipinapanganak ay malalaman ang mga ginawa nʼyo,at maging ang pagliligtas nʼyo sa inyong mga mamamayan.

Salmo 22