Salmo 22:13-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Para rin silang mga leong umaatungalat nakanganga na handa akong lapain.

14. Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos,at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat.At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.

15. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa,at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala.O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay.

16. Pinaligiran ako ng mga taong masama na parang mga aso.At binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa.

17. Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto,ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.

18. Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.

19. Ngunit kayo, Panginoon, huwag nʼyo akong lalayuan.Kayo ang aking kalakasan;magmadali kayo at akoʼy tulungan.

20. Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,

21. o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.

22. Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo.At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.

23. Kayong may takot sa Panginoon,purihin ninyo siya!Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,parangalan ninyo siyaat matakot kayo sa kanya!

24. Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.Hindi niya sila tinatalikuran,sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.

25. Panginoon , bigyan nʼyo ako ng kasiglahan na magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan.Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo,tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

Salmo 22