1. Sa oras ng kaguluhan, pakinggan sana ng Panginoon ang iyong mga daing.At sanaʼy ingatan ka ng Dios ni Jacob.
2. Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang templo roon sa Zion.
3. Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog,pati na ang iyong mga haing sinusunog.
4. Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.