6. Sinabi niya,“Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.”
7. Sinabi ng hari na hinirang ng Dios,“Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko,at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.
8. Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo,at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo.
9. Pamumunuan mo sila,at walang sasalungat sa iyong pamamahala.Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’ ”
10. Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo,unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.
11. Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,at magalak kayo sa kanya.
12. Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang,kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya.Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.