1. Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama?Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan?
2. Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama,at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon,at sa hari na kanyang hinirang.
3. Sinabi nila,“Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!”
4. Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.
5. Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala,at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.
6. Sinabi niya,“Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.”
7. Sinabi ng hari na hinirang ng Dios,“Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko,at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.