Salmo 19:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios,ang gawa ng kanyang kamay.

2. Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan.

3. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig,

4. ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig.Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan.

5. Tuwing umagaʼy sumisikat ang araw,na parang lalaking bagong kasal na lumalabas sa bahay nila nang may galak.O katulad din ng isang manlalarong kampeon sa takbuhan, na nasasabik na tumakbo.

Salmo 19