41. Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong.Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.
42. Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin,at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.
43. Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde,at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa.Kahit akoʼy hindi nila kilala, pinaglingkuran nila ako.
44. Yumuyukod sila sa aking harapan.Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.
45. Nawawalan sila ng lakas ng loob,kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.
46. Buhay kayo, Panginoon!Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!
47. Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway,at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.
48. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban,at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.