Salmo 18:31-46 Ang Salita ng Dios (ASND)

4-5. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan,na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin.

31. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.

32. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.

33. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

34. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.

35. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

36. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,kaya hindi ako natitisod.

37. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

38. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,at hindi na makabangon sa aking paanan.

39. Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,kaya natalo ko ang aking mga kalaban.

40. Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin,at silaʼy pinatay ko.

41. Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong.Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

42. Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin,at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.

43. Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde,at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa.Kahit akoʼy hindi nila kilala, pinaglingkuran nila ako.

44. Yumuyukod sila sa aking harapan.Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.

45. Nawawalan sila ng lakas ng loob,kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

46. Buhay kayo, Panginoon!Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

Salmo 18