Salmo 18:21-37 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.

22. Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

23. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.

24. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.

25. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.

26. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit tuso kayo sa mga taong masama.

27. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.

28. Panginoon kong Dios, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag.Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

29. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

30. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

31. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.

32. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.

33. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

34. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.

35. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

36. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,kaya hindi ako natitisod.

37. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

Salmo 18