Salmo 18:15-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito,pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.

16. At mula sa langit akoʼy inabot nʼyoat inahon mula sa malalim na tubig.

17. Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

18. Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

19. Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

20. Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.

21. Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.

22. Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

23. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.

24. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.

25. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.

26. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit tuso kayo sa mga taong masama.

27. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.

28. Panginoon kong Dios, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag.Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

29. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

30. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

Salmo 18