1. Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan.
2. Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang.Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.
3. Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon,dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
4-5. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan,na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin.
6. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon kong Dios,at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo.
7. Nagalit kayo, at lumindol, maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig.
8. Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.