Salmo 18:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan.

2. Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang.Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

3. Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon,dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

6. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon kong Dios,at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo.

7. Nagalit kayo, at lumindol, maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig.

8. Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.

9. Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba,at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.

10. Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

11. Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap.

12. Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan,at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.

13. Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.

Salmo 18