1. O Panginoon, pakinggan nʼyo ang taimtim kong dalangin.Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan.
2. Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid,kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.
3. Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako,ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin.Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama
4. gaya ng ginagawa ng iba.Dahil sa inyong mga salita,iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.
5. Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan,at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.
6. O Dios sa inyo akoʼy dumadalangin,dahil alam kong akoʼy inyong diringgin.Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.
7. Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa. Alam ko, sa inyong kapangyarihan, inyong inililigtas ang mga taong nanganganlong sa inyo mula sa kanilang mga kaaway.
8. Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata,at kalingain nʼyo gaya ng pagtatakip ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.