Salmo 150:3-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta!Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira!

4. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw.Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta.

5. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang.

6. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon.Purihin ninyo ang Panginoon!

Salmo 150