1. Purihin ang Panginoon!Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon.Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.
2. Magalak ang mga taga-Israel sa kanilang Manlilikha.Magalak ang mga taga-Zion sa kanilang Hari.
3. Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw;at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya.
4. Dahil ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang mga mamamayan;pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tagumpay.
5. Magalak ang mga tapat sa Dios dahil sa kanilang tagumpay;umawit sila sa tuwa kahit sa kanilang mga higaan.
6. Sumigaw sila ng pagpupuri sa Dios habang hawak ang matalim na espada,