7. Purihin ang Panginoon, kayong nasa mundo, malalaking hayop sa karagatan, at lahat ng nasa kailaliman ng dagat,
8. mga kidlat at ulan na yelo, niyebe, mga ulap, at malalakas na hangin na sumusunod sa kanyang utos,
9. mga bundok, mga burol, mga punongkahoy na namumunga o hindi,
10. lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad.