1. Purihin ang Panginoon!Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga nasa langit.
2. Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit.
3. Purihin ninyo siya, araw, buwan at mga bituin.
4. Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan.
5. Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon!Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.