Salmo 147:6-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Tinutulungan ng Panginoon ang mga inaapi,ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama.

7. Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon.Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios.

8. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan,at pinauulanan niya ang mundo,at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan.

9. Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito.

10. Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal.

11. Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanyaat nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

12. Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem!

Salmo 147