1. Purihin ang Panginoon!Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios.Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.
2. Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem,at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita.
3. Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,at ginagamot ang kanilang mga sugat.
4. Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalamanat ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.
5. Makapangyarihan ang ating Panginoon.Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.
6. Tinutulungan ng Panginoon ang mga inaapi,ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama.
7. Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon.Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios.
8. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan,at pinauulanan niya ang mundo,at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan.