Salmo 147:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin ang Panginoon!Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios.Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.

2. Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem,at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita.

3. Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,at ginagamot ang kanilang mga sugat.

4. Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalamanat ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.

Salmo 147