9. Panginoon, mabuti kayo sa lahat;nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.
10. Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha;pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan.
11. Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari,
12. upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari.
13. Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako,at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha.
14. Tinutulungan nʼyo ang mga dumaranas ng kahirapan,at pinalalakas ang mga nanghihina.
15. Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo,at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila.