Salmo 145:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.

6. Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa,at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan.

7. Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan,at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.

8. Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin;hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

9. Panginoon, mabuti kayo sa lahat;nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.

Salmo 145