1. Ako ay magpupuri sa inyo, aking Dios at Hari.Pupurihin ko kayo magpakailanman.
2. Pupurihin ko kayo araw-araw,at itoʼy gagawin ko magpakailanman.
3. Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin.Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain.
4. Ang bawat salinlahi ay magsasabi sa susunod na salinlahi ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa.
5. Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.
6. Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa,at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan.