Salmo 144:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan.Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.

2. Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan.Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga.Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

3. Panginoon, ano ba ang tao para pagmalasakitan nʼyo?Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?

4. Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan,at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala.

5. Panginoon, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo.Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok.

Salmo 144