Salmo 143:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, dinggin nʼyo ang aking panalangin.Dinggin nʼyo ang aking pagsusumamo.Tulungan nʼyo ako dahil kayo ay matuwid at tapat.

2. Huwag nʼyong hatulan ang inyong lingkod,dahil walang sinumang matuwid sa inyong harapan.

3. Tinugis ako ng aking mga kaaway.Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan;tulad ako ng isang taong matagal nang patay.

4. Kaya nawalan na ako ng pag-asa,at punong-puno ng takot ang puso ko.

5. Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una;pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.

6. Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin,kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.

Salmo 143