Salmo 141:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, tumatawag ako sa inyo; agad nʼyo akong tulungan.Dinggin nʼyo ang panawagan ko sa inyo.

2. Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso,ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.

3. Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.

4. Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito.Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

Salmo 141