Salmo 140:6-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Panginoon, kayo ang aking Dios.Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

7. Panginoong Dios, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8. Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad.Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,baka silaʼy magmalaki.

Salmo 140