1. Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.
2. Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.
3. Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas;at ang kanilang mga salita ay makakalason na parang kamandag ng ahas.
4. Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.
5. Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin;naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.
6. Panginoon, kayo ang aking Dios.Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.
7. Panginoong Dios, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.
8. Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad.Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,baka silaʼy magmalaki.