7. Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo?
8. Kung pupunta ako sa langit, nandoon kayo;kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, nandoon din kayo.
9. At kung pumunta man ako sa silangan o tumira sa pinakamalayong lugar sa kanluran,
10. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.
11. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi;
12. kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon,at ang gabi ay parang araw.Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.