Salmo 139:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo;itoʼy tunay na napakarami.

18. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin.Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

19. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama!Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao!

20. Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo.Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan.

21. Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo.Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo.

22. Labis ko silang kinamumuhian;ibinibilang ko silang mga kaaway.

Salmo 139