14. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin.Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.
15. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.
16. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang.Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.
17. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo;itoʼy tunay na napakarami.
18. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin.Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.
19. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama!Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao!
20. Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo.Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan.
21. Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo.Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo.