1. Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.
2. Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo.Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.
3. Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo.
4. Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.
5. Lagi ko kayong kasama,at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
6. Ang pagkakilala nʼyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga;hindi ko kayang unawain.
7. Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo?
8. Kung pupunta ako sa langit, nandoon kayo;kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, nandoon din kayo.